Connect with us

Apat na ‘areas of concern’ tinukoy ng OCTA dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

Ilang siyudad sa bansa ang tinukoy ng OCTA research group na areas of concern dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Uncategorized

Apat na ‘areas of concern’ tinukoy ng OCTA dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

Ilang siyudad sa bansa ang tinukoy ng OCTA research group bilang ‘areas of concern’ dahil sa mataas na bilang ng kaso ng  COVID-19.

Ayon kay Professor Guido David, kasama sa mga lungsod na tinukoy ay ang Bacolod, Cagayan de Oro, Puerto Princesa at Zamboanga City.

Bumaba naman ang daily virus cases sa Metro Manila sa average na 2,100 mula sa dating 5,500 cases at posibleng bumaba pa ang kaso nito sa mga susunod na linggo.

Ayon kay David, dapat gradual ang pagluluwag ng mga quarantine restriction sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na nakaranas kamakailan ng surge.

Ayon sa grupo nakitaan din ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 Laguna at dahil dito mahalaga umanong magtuloy-tuloy ang pagbabakuna lalo sa mga lugar na may mataas na bilang ng kaso ng virus.

More in Uncategorized

Latest News

To Top