Connect with us

Ilang lugar sa bansa, nanatiling nasa ilalim sa signal number 1 ng bagyong Auring

Nakataas ngayon sa signal number 1 ang ilang lalawigan sa Luzon partikular na sa Sorsogon, Masbate, Albay, Catanduanes, at ang Silangang bahagi ng Camarines Sur dahil sa bagyong Auring.

National News

Nakataas pa rin ang signal number 1 sa iilang lugar sa Visayas gaya ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, sa Hilaga at Silangang bahagi ng Negros Oriental, at Negros Occidental, Eastern portion ng Iloilo, at Eastern portion ng Capiz.

Sa Mindanao, nasa ilalim pa rin ng signal number 1 ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, ang Northern portion ng Surigao del Sur, Agusan del Norte, nortern portion ng Agusan del Sur, Eastern portion ng Misamis Oriental, at Camiguin.

Sa pinakahuling weather update ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong Auring sa Silangang bahagi ng Surigao City kung saan kumikilos ito pakanan sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 70 kilometro kada oras.

Kanselado ngayong araw ang pasok sa lahat ng lebel ng paaralan sa Tacloban at lalawigan ng Romblon kasama ang pasok ng lahat ng empleyado sa gobyerno sa naturang mga lugar.

More in National News

Latest News

To Top