Connect with us

Ilang lugar sa bansa, isinailalim sa COVID-19 “alert level 4”–DOH

Isinailalim ng Department of Health (DOH) sa “alert level 4” ang 8 lungsod sa Metro Manila at 29 iba pang lugar sa bansa dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

National News

Ilang lugar sa bansa, isinailalim sa COVID-19 “alert level 4”–DOH

Isinailalim ng Department of Health (DOH) sa “alert level 4” ang 8 lungsod sa Metro Manila at 29 iba pang lugar sa bansa dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 at hospital occupancy rate.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibig sabihin ng alert level 4 ay ang isang lugar ay moderate-to-critical-risk sa COVID-19 at may 70% o pataas na healthcare utilization rate.

Ani Vergeire, ang mga lungsod sa NCR na nasa ilalim ng naturang alerto ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati, at San Juan.

Inilagay din sa kaparehong alert level ang ilang lugar sa Cordillera Region at Region 1, 2, 3, 4a, 6, 7, 8, 10, 11, at 12.

Samantala, pinasok na ng Delta variant ang lahat ng lugar sa National Capital Region.

Ayon sa DOH, nakapagdetect na ng Delta variant sa 17 lungsod at munisipalidad sa NCR.

Batay sa datos na ipinakita ng DOH, sa 116 na bagong nadetect na Delta variant cases, 83 dito ay sa NCR.

Sinabi ni Health Undersecretary Vergeire na kasalukuyang may 12 active cases ng naturang variant sa bansa kung saan 11 dito ay asymptomatic at ang isa ay nagpapakita ng mild symptoms.

Sa nasabing bilang ng active cases, 4 dito ay mula sa Metro Manila, 6 sa Central Luzon, isa sa Calabarzon habang ang isang ay sa Western Visayas.

Sa huling datos ng DOH, ika-6 ng Agosto, pumalo na sa 450 ang kabuuang bilang ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 119 na bagong kaso ng mas nakakahawang variant sa latest batch ng whole genome sequencing.

Sa 119 new Delta cases, 93 dito ay local cases, 20 ay returning Overseas Filipino at ang 6 ay for verefication.

Sa 93 local cases, 18 kaso ang naka-address sa Metro Manila habang 14 ay sa CALABARZON, 18 sa Central Luzon, 31 sa Western Visayas, 8 sa Northern Mindanao, at tig-iisa sa Central Visayas, Eastern Samar, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region.

Base sa case line list, mayroon ang Pilipinas na 12 aktibong kaso ng Delta variant, 9 na nasawi habang 428 na ang mga gumaling.

Bukod sa Delta variant, nadagdagan din ang kaso ng iba’t iba pang COVID-19 variants sa bansa.

125 Alpha variant cases ang nadagdag sa bansa kung saan 115 dito ay local cases, 6 ay returning Overseas Filipino at apat ang for verification.

Base sa case line list, tatlo dito ang nasawi habang 122 ang nakarekober.

Dahil sa karagdagang mga kaso, pumalo na sa 2,093 ang kabuuang kaso ng Alpha variant sa bansa kung saan 18 ang active cases, 122 ang nasawi at 1,951 ang gumaling.

Umabot naman sa 2,362 ang kaso ng Beta variant matapos makapagtala ng 94 na bagong kaso kung saan 89 dito ay local cases, 3 ay ROFs cases at 2 ay for verification.

Sa 94 new cases, 7 ang nasawi habang 87 ang gumaling na.

Samantala, nadagdagan naman ng 11 ang P.3 variant cases na pawang local cases at mga gumaling.

Dahil dito, pumalo na sa 287 ang P.3 variant cases sa bansa kung saan isa ang active cases, tatlo ang nasawi at 283 ang gumaling.

More in National News

Latest News

To Top