Connect with us

Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ngayong araw

Global production ng krudo, babawasan ng 9.7 milyong bariles kada araw

National News

Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ngayong araw

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula ngayong araw, araw ng Martes.

Sa abiso ng Shell, Flying V, Caltex at Seaoil, nasa .25 sentimos ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa 20 sentimos naman ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang diesel habang 35 sentimos ang bawas sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price adjustment sa gasolina at diesel ang kumpanyang Petro Gazz, Cleanfuel, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.

Pawang epektibo ang dagdag-bawas ng 6:00 ng umaga bukas maliban sa Caltex na alas 12:01 ng madaling araw.

Habang ang rollback sa diesel ng Cleanfuel ay magiging epektibo ng alas 8:01 ng umaga  habang sa gasolina ay alas 4:01 hapon.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top