Ilang health-related goods para sa senior citizens, mayroon na ring 20% discount – Sen. Go

National News

Makatatanggap na rin ng 20% discount ang mga senior citizen para sa iba pa nilang mga health-related goods.

Ito ang kinumpirma ni Senator Christopher ‘Bong’ Go matapos amyendahan ng Department of Health ang Administrative Order No. 2012-0007.

Sa ilalim ng bagong AO, mayroon na ring diskwento ang iba pang essential goods para sa mga seniors. Ilan na rito ang medical supplies, accessories at equipment; tulad ng vitamins at mineral supplements ng mga matatanda.

Ani Go, sa naunang AO No. 2012-0007-A ng DOH, tanging mga gamot lamang na prescribed by physicians ang may exemption na 20% sa Value-Added Tax.

Malaki naman ang pasasalamat ni Go sa naging hakbang na ito ng DOH.

Dahil aniya sa panahon ngayon ng health crisis na kinakaharap ng bansa ay mas kailangan ng mga senior citizens ng suportang kagaya nito.