Connect with us

Ilang doktor, nais isailalim sa MECQ ang Bicol dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang sampung contacts ng lalaking na tinamaan ng UK COVID-19 variant.

News

Ilang doktor, nais isailalim sa MECQ ang Bicol dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Ilang mga doktor sa Bicol ang umapela sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the emerging infectious disease na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang rehiyon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Carlsen Antonio, Pangulo ng Albay Medical Society, nagpadala na sila ng liham kay Interior Secretary Eduardo Año tungkol sa kanilang panawagan.

Sa ngayon, ang rehiyon ay nasa ilalim ng MGCQ maliban lamang sa Naga.

Ani Antonio, ramdam ng mga doktor sa Bicol ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga ospital.

Bukod pa rito, nananawagan rin ang mga doktor na ipagpatuloy ang vaccination program at karagdagang pasilidad para sa asymptomatic at mildly symptomatic patients kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng health protocols sa mga commercial establishments at police visibility.

More in News

Latest News

To Top