Connect with us

Ilan pang napalayang convicted inmates sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance, patuloy ang boluntaryong pagsuko

convicted inmates

National News

Ilan pang napalayang convicted inmates sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance, patuloy ang boluntaryong pagsuko

PATULOY ang pagsuko ng mga napalayang convicted inmates sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa Rizal Police Station sa Laguna, boluntaryong sumuko ang isang 62 anyos na lolo na nakalaya sa Iwahig Prison & Penal Farm sa Palawan.

Ang lolo ay isang murder convict na may sintensyang Reclusion Perpetua.

Matatandaang Miyerkules nang gabi nang bigyan ni Pangulong Rodrido Duterte ng labing limang araw ang halos dalawang libong convicted inmates sa heinous crime na napalaya sa ilalim ng GCTA na sumuko na.

Sakaling mabigo ang mga ito na sumurender sa pulisya, magiging target ang mga ito ng manhunt operation ng PNP.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top