Connect with us

Ika-5 Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong, kinumpirma

Ika-5 Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong, kinumpirma

National News

Ika-5 Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong, kinumpirma

Isa pang Pilipino ang naitalang nag-positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Hong Kong.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.

Dahil dito, umakyat na sa 5 Pinoy ang nagpositibo sa naturang virus sa naturang Special Administrative Region ng China.

Ang nasabing Pinoy worker ay asymptomatic at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Hong Kong.

Sa ngayon, 4 na pasyenteng Pinoy na positibo sa naturang virus ang nasa ospital pa,

Matapos makalabas ang isa noong Biyernes.

Tiniyak naman ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na may sapat na tulong ang naibibigay sa mga nasabing pinoy workers.

More in National News

Latest News

To Top