Connect with us

ICC, dapat ideklarang persona non grata ng Pilipinas – Enrile

Dapat nang ideklarang persona non grata ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC).

National News

ICC, dapat ideklarang persona non grata ng Pilipinas – Enrile

Dapat nang ideklarang persona non grata ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC).

Ito ang sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Ani Enrile, hindi dapat payagang makapasok ng Pilipinas ang mga imbestigador ng ICC para magsagawa ng pormal na imbestigasyon sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ito ay kaugnay sa desisyon kamakailan lang ng ICC na itutuloy ang imbestigasyon kung saan nananatili naman ang paninindigan ni Pangulong Duterte na hindi ito makikipagtulungan dito.

Kaugnay nito, nanawagan din si Enrile sa mga Pilipino na depensahan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga kritiko nito na sumusuporta sa ICC.

Dagdag pa ni Enrile, bilang mga mamamayang Pilipino, hindi natin dapat hinahayaang bastusin ng banyaga lalo na ang pangulo ng ating bansa na hinalal ng mayorya ng mga Pilipino.

Aniya, ang sampal sa ating pangulo ay mistula na ring sampal sa lahat ng Pilipino.

Ayon kay Enrile, merong motibo ang imbestigasyon na ito at posibleng ang mga nasa likod nito ay mga indibidwal o pulitikong ginagamit ang mga banyaga para sa kanilang ambisyon, kaya aniya, ay dapat hindi na ito iboboto ng taumbayan.

Iginiit din ni Enrile na kadalasang sumusuporta sa mga ganitong imbestigasyon ay ang mga makakaliwang grupo na kumakalaban sa gobyerno.

Matatandaan na March 17, 2019 ay pormal na pinutol ng Pilipinas ang kaugnayan nito sa ICC matapos bawiin ang pagiging miyembro dito.

More in National News

Latest News

To Top