Connect with us

Ibat-ibang armas, nakumpiska sa loob ng NBP matapos ang nangyaring riot

Daan-daang piraso ng iba't-ibang uri ng armas o mga bladed weapons ang nakumpiska sa isinagawang sorpresang oplan galugad sa isang bahagi ng New Bilibid Prisons (NBP).

National News

Ibat-ibang armas, nakumpiska sa loob ng NBP matapos ang nangyaring riot

Daan-daang piraso ng iba’t-ibang uri ng armas o mga bladed weapons ang nakumpiska sa isinagawang sorpresang oplan galugad sa isang bahagi ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ang oplan galugad ay kasabay o panimulang hakbang sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation(NBI) kaugnay sa nangyaring riot sa New Bilibid Prisons na ikinamatay ng 9 na Person Deprived of Liberty o preso.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kapag natapos na ang ilang araw na gagawing imbestigasyon ay hihintayin naman niya ang official report mula kay BuCor Director Gerald Bantag gayundin ang magiging resulta ng NBI Investigation.

Naganap ang riot noong isang araw sa East Quadrant ng NBP at ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag ay mayroon itong halos 18,000 inmates na mistulang nasa isang maliit na komunidad.

Meron naman anyang CCTV sa ilang bahagi ng Bilibid pero hindi anya nito sakop ang kabuuan o bawat sulok ng Bilibid.

More in National News

To Top