Connect with us

IATF, hinimok na payagan ang antigen test sa mga fully vaccinated na biyahero

Nanawagan si TGP Partylist Rep. Jose "Bong" Teves Jr. sa Inter Agency Task Force on COVID-19 na payagan na ang antigen test bilang travel requirement

National News

IATF, hinimok na payagan ang antigen test sa mga fully vaccinated na biyahero

Nanawagan si TGP Partylist Rep. Jose “Bong” Teves Jr. sa Inter Agency Task Force on COVID-19 na payagan na ang antigen test bilang travel requirement sa mga biyaherong fully vaccinated na kontra COVID-19.

No description available.

Ayon kay Teves, mas mahal ang RT-PCR test na siyang requirement o gold standard sa mga biyahero ngayon kumpara sa antigen test, kahit na aniya bakunado na ang mga ito.

Batay sa House Resolution No. 2285 na inihain ni Teves, mas gagaan ang pasanin ng publiko ngayong may pandemya kung antigen test na lamang ang ire-require sa land, air at sea travel dahil bukod sa mura, nakukuha agad ang resulta nito.

“In order to ease the burden of the fully vaccinated travelers without compromising the safety of the receiving LGUs, it us urged that the RT-PCR requirement be replaced by less expensive, accurate and faster Antigen Test”, saad ng resolusyon ni Teves.

No description available.

Umaasa naman ang mambabatas na positibo ang magiging tugon ng IATF sa kanyang hiling.

Sa ngayon ay naglalaro sa ₱4,500-P5,000 ang presyo ng plate-based RT-PCR test sa private laboratories habang mas mababa naman sa mga public health station.

Napakalayo nito sa ₱700 na presyo ng antigen test na iniaalok ng ilang airline company sa Pilipinas.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top