Connect with us

Hustisya, hindi maaasahan sa internal investigation ng CPP-NPA sa Masbate – DND

Hustisya, hindi maaasahan sa internal investigation ng CPP-NPA sa Masbate - DND

News

Hustisya, hindi maaasahan sa internal investigation ng CPP-NPA sa Masbate – DND

Walang aasahang hustisya sa gagawin internal investigation ng CPP-NPA sa pagkasawi ng football player na si Keith Absalon at kanyang pinsan sa pagsabog ng landmine sa Masbate.

Ito ang iginiit ni Defense spokesperson Arsenio Andolong matapos kondenahin ang karahasan ng makakaliwang grupo sa probinsya.

Una nang inamin ng CPP-NPA na isang “tactical error” ang nangyari.

Pero ayon kay Andolong, hindi tactical error ang nangyari dahil kalakaran na ng CPP-NPA na gumamit ng landmines para makapinsala ng buhay at ari-arian.

Malinaw anyang paglabag sa International Humanitarian Law ang nangyari at patunay na walang pakialam ang grupo sa mga inosenteng sibilyan.

Samantala, may hamon si PNP chief Police General Guillermo Eleazar sa CPP-NPA matapos aminin na sila ang nasa likod ng pagsabog ng landmine sa Masbate na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang indibidwal.

Ayon kay Eleazar, kung sinsero ang mga komunista sa kanilang pagsisisi ay dapat nilang isuko ang mga kasamahang nasa likod ng insidente.

Hustisiya anya ang sigaw ng pamilya ng mga biktima na maaabot lang kung mapananagot ang mga nasa likod ng krimen.

Dapat na rin anyang itigil ng CPP-NPA ang kanilang pag-atake at paghahasik ng karahasan.

Samantala, inatasan ni Eleazar ang pulisya na maging alerto sa posibleng pag-atake ng CPP-NPA lalo’t pinag-utos ng liderato nito ang pag-atake sa pambansang pulisya.

 

More in News

Latest News

To Top