Holiday pay ngayong Labor Day, hindi babayaran

National News

Hindi babayaran ng double pay o holiday pay ang mga manggagawa ngayong Labor Day.

Ito ay ayon sa ipinalabas na Labor Advisory No. 15 Series of 2020 na nilagdaan ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kinakaharap na national health emergency ng bansa.

Kabilang sa mga maaaring hindi bayaran ng holiday pay ay ang mga establisyimentong tuluyang nagsara o pansamantalang nakatigil ang operasyon.

Samantala, ang mga manggagawa na may pasok ngayong araw ay makakakuha pa rin ng double pay para sa unang walong oras ng trabaho at may dagdag naman na tatlumpung porsyento ng hourly rate kapag nag-overtime.