Connect with us

Hintayin ang probe findings bago bumuo ng espekulasyon sa pagkamatay ni Dacera – Palasyo

Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na hintayin muna ang final investigation findings sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

National News

Ito ang pinaalala ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa gitna ng pagkalat ng iba’t ibang espekulasyon hinggil sa nangyari kay Christine.

Ani Panelo, ang mga kumakalat ng espekulasyon ay posibleng hindi tugma sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Christine at sa mga sirkumstansyang nakapalibot dito.

Giit pa ni Panelo, mas makabubuting i-reserve muna ang mga judgement kaugnay ng kaso habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at wala pang pinal na findings.

Importante anitong mailatag muna ang lahat ng evidences at facts sa nangyari bago magpakalat ng anumang impormasyon.

More in National News

Latest News

To Top