Regional
Hindi lisensyadong armas at pampasabog, nasabat sa buy-bust sa Pampanga
Nalambat ng pulisya ang 5 hinihinalang drug peddler sa buy-bust operation sa Arayat, Pampanga.
Ayon kay Police Colonel Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga Police, kinilala ang mga nahuli na sina Szer Emile Delmoral, Mary Ann Delmoral, Michael Tanyag, Joseph Almason at Francisco de Jesus.
Nagsabwatan umano ang mga suspek para magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na drug dealer.
Nasamsam sa mga suspek sachet ng hinihinalang shabu na may DDB value na 3,500 piso, caliber. 38 revolver at hand grenade.
Mahaharap sila sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.