Connect with us

Hiling ni VP Leni na pangasiwaan ang COVID-19 response ng bansa, tinutulan ni Sen. Go

Tutol si Senator Christopher “Bong” Go sa hiling ni Vice President Leni Robredo na bigyan ito ng kapangyarihang pangasiwaan ang COVID-19 response ng pamahalaan.

National News

Hiling ni VP Leni na pangasiwaan ang COVID-19 response ng bansa, tinutulan ni Sen. Go

Tutol si Senator Christopher “Bong” Go sa hiling ni Vice President Leni Robredo na bigyan ito ng kapangyarihang pangasiwaan ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa isang panayam, sinabi ni Go na may sapat na programa ang bansa para labanan ang patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Giit pa ng senador, hindi magiging sagot dito ang pagpalit sa responsabilidad ni VP Leni.

Ani Go, nandiyan pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte upang pangunahan ang mga dapat na hakbang para tugunan ang pangangailangan ng bansa laban sa COVID-19.

Sa isang pahayag, iminungkahi ni VP Robredo ang kagustuhan nitong mabigyan siya ng otoridad at kapangyarihan na pangunahan ang COVID-19 response ng bansa.

Ayon sa pangalawang pangulo, marami pa rin aniya ang dapat na gawin na hindi pa nagagawa ng pamahalaan ukol ditto.

Ikinasasama din ng loob  ni Robredo na tila hindi raw pinapansin ng gobyerno ang kanyang mungkahi mula pa noong isang taon

Para kay Senator Bong Go, naguguluhan na siya sa mga ginagawa ngayon ng oposisyon laban sa pamahalaan.

Pakiusap pa nito, huwag bahiran ng politika ang ginagawa ng pamahalaan ngayong may pandemiya.

Babala nito sa publiko, ang sunud-sunod na paninira ng mga kalaban sa politika lalo na kay Pangulong Duterte ay isa aniyang istilo ng mga nais magpabango ng pangalan lalo na ngayong papalapit na botohan.

More in National News

Latest News

To Top