Connect with us

Higit P6 bilyong  halaga ng droga, sinunog ng PDEA

Nasa higit isang bilyong pisong halaga  ng iba't ibang droga ang susunugin  ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

National News

Higit P6 bilyong  halaga ng droga, sinunog ng PDEA

Sinunog ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa P6.25 bilyong halaga ng nakumpiskang iligal na droga sa kanilang destruction facility sa Trece Martires, Cavite

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang pagsunog ay bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad sirain ang mga kontrabando upang maiwasan ang recycling.

Kabilang sa mga sinunog sa pamamagitanng thermal decomposition ang 1,394 kilograms at higit 2.2 milyon milliliters na iba’t ibang drug evidence na binubuo ng shabu, marijuana, cocaine, liquid ecstacy, expired medicines at iba pang mga iligal na droga.

Aminado naman si Villanueva na nahaharap ang PDEA sa mga hamon sa pagtugon sa kautusan ng pangulo pero nangako ito na hihingi sila ng tulong sa ibang goverment agency partikular na sa Department of Justice.

Siniguro rin ng PDEA chief sa publiko na susunod nila ang lahat ng nakumpiskang droga na nasa ilalim ng kanilang kustodiya.

Samantala, target namang maubos na at  masunog lahat ng  mga ibidensyang naka-imbak sa custodial drug facilities  bago matapos ang taong 2020.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, gagawing sunod-sunod ang isinasagawang pagsira sa mga nakumpiskang droga sa buong bansa.

Tiniyak naman ni Villanueva sa sinasabing recycling ng droga na  hindi nangyayari sa PDEA dahil 24/7 na may bantay at CCTV camera sa costodial facilities.

Samantala, tuloy tuloy naman ang pagmomonitor at pagtugis ng  ahensiya sa  golden triagle na nagpapakalat ng droga sa bansa.

More in National News

To Top