Connect with us

Higit 400 Pinoy repatriates mula sa MV Diamond Princess sa Japan, dumating na

Higit 400 Pinoy repatriates mula sa MV Diamond Princess sa Japan, dumating na

National News

Higit 400 Pinoy repatriates mula sa MV Diamond Princess sa Japan, dumating na

Dumating na sa bansa ang nasa 400 mga Pinoy repatriates mula sa MV Diamond Princess sa Japan.

Pasado alas-10 kagabi ng lumapag sa Clark International Airport ang eroplano lulan ang 309 na mga tripulanteng Pinoy.

Kasamang dumating ng mga Pinoy ang 2 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at 4 mula sa Department of Health (DOH).

Dakong alas-12 kaninang hatinggabi ay lumapag naman sa Clark Airport ang ikalawang eroplano na lulan ang 136 na mga Pinoy crews.

Sumailalim sa masusing pagsusuri ang mga Pinoy repatriates bago ito idiniretso sa Athletes Village sa New Clark City, Tarlac upang isailalim sa 14 na araw na quarantine.

Hindi naman kasama sa mga ni-repatriate ang 78 Pinoy na  nagpositibo sa COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top