Connect with us

Higit 39,000 OFWs, natulungan sa ‘Hatid Probinsya para sa mga OFW’

Hatid Probinsya

National News

Higit 39,000 OFWs, natulungan sa ‘Hatid Probinsya para sa mga OFW’

Nasa kabuuang 39,485 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungan ng pamahalaan sa ilalim ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFW’ program.

Ito ay bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungang makauwi ang mga OFW sa kani-kanilang probinsya na na-stranded dito sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), batay sa pinakahuling tala, umabot sa 39,485 OFWs ang naserbisyuhan ng naturang programa; kung saan ang 11,443 ay napauwi by-land, 16,315 naman ay sa pamamagitan ng air transport at 11,727 ay sa sea transport.

Ang hatid probinsya para sa mga OFW ay isang pinagsamang inisyatiba ng Office of the President, National Task Force COVID-19, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Ports Authority (PPA), DOTr at iba pang ahensya ng gobyerno.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top