Sumailalim sa pagsasanay ang aabot sa 337,486 pampublikong mga guro para sa Information and Communications Technology (ICT) - based teaching.

300k pampublikong mga guro, nakapagsanay na ng online teaching

National News

Sumailalim sa pagsasanay ang aabot sa 337,486 pampublikong mga guro para sa Information and Communications Technology (ICT) – based teaching.

Ito ang inilahad ng Department of Education (DepEd) kung saan saklaw nito ang 40% ng kabuuang public school teaching population na magiging bahagi ng blended learning ngayong darating na pasukan.

Dagdag pa ng DepEd, 10,521 pampublikong mga guro naman ang nabigyan rin ng training ng kagawaran.

Sa pamamagitan ng webinars, pinangunahan ng educational technology unit ng departamento ang naturang pagsasanay kung saan tinalakay ang development ng e-books, graphic design, pagbuo ng interative quizzes, at ang iba pang open education resources.

Ipagpapatuloy naman ng DepEd ang pagsasagawa nito ng mga webinar hanggang sa susunod na buwan.