Connect with us

Higit 3-M dosis ng bakunang Moderna na dumating sa bansa, ilalaan para sa mga mahihirap – Pang. Duterte

Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dumating na higit 3 milyong dosis ng Moderna COVID 19 vaccines sa Villamor Airbase, Pasay City.

Health

Higit 3-M dosis ng bakunang Moderna na dumating sa bansa, ilalaan para sa mga mahihirap – Pang. Duterte

Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dumating na higit 3 milyong dosis ng Moderna COVID 19 vaccines sa Villamor Airbase, Pasay City.

Ang naturang Moderna vaccines ay natanggap ng bansa sa pamamagitan ng World Health Organization-COVAX facility.

Sa isang talumpati, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Estados Unidos sa kabutihang loob nito na magkaloob ng iba’t ibang tulong para sa paglaban ng bansa kontra COVID 19 pandemic.

Ani pangulo, “I would like to extend my deepest gratitude to the COVAX Facility for the continuous donation of these vaccines. We look forward to the delivery of even more life-saving vaccines in the country very soon.”

Pinasalamatan din ng punong ehekutibo ang mga donasyon ng medical supplies at equipment maging ang provision ng institutional support sa pagresponde ng bansa sa pandemya.

“All of these have helped, definitely will continue to help the Filipino people. Indeed, the cooperation between the Philippines and US in overcoming the pandemic highlights the strong and deep friendship between our two countries.”

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Duterte na mailalaan sa maralitang Pilipino ang dumating na 3,000,060 doses na bakunang Moderna.

” I know that it is the sentiment of America that the vaccines that will be given to the Philippines should go first to those who have least in life. Yung mga mahirap. The poor ones who cannot afford and for those.”

Inihayag pa ni Pangulong Duterte na patuloy na hihikayatin ng pamahalaan ang iba pang indibidwal na ayaw pang magpabakuna, na magpaturok ng Moderna vaccines na donasyon ng US.

Samantala, sinabi ni US Embassy in Manila Charge de Affaires John Law na sinisigurado nito sa mga Pilipino ang tulong mula sa US government lalo sa panahon na ito ng pandemya.

Tiniyak din ni Law na patuloy na makikipagtulungan ang US sa Pilipinas para sa mas available na ligtas at epektibo na COVID 19 vaccines.

Bago naideliver ang higit 3 million doses ng Moderna vaccines, nagbigay na rin ng donasyon ang Estados Unidos sa Pilipinas na 3.2 million doses ng single-shot Johnson&Johnson vaccine.

Samantala, iniulat ng Malakanyang na tinatayang nasa higit 22 million (22,726,060) doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa Pilipinas ngayong buwan ng Agosto.

More in Health

Latest News

To Top