Connect with us

Higit 290,000 katao, naaresto sa war on illegal drugs ng Duterte Admin – Malakanyang

Binigyang diin ng Malakanyang na naging matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Higit 290,000 katao, naaresto sa war on illegal drugs ng Duterte Admin – Malakanyang

Binigyang diin ng Malakanyang na naging matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ng Palasyo ay ilang araw bago maglalahad ng kanyang pang-anim at panghuling State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 26.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kung pagbabasehan ang datos ng gobyerno, ay talagang masasabing matagumpay ang drug war ng administrasyon.

Batay sa pinakahuling tala base sa government data noong mayo 31 ngayong taon, 293,841 katao ang naaresto sa operasyon kontra iligal na droga.

Sa naturang datos, sinabi ni Roque na sukatan ito kung matagumpay ang war on drugs ng administrasyon, at masasabi nga niya na talagang naging matagumpay ito.

Inihayag pa ng tagapagsalita na tinutoo ni Pangulong Duterte ang pangako niya na mananalo ang bansa sa giyera laban sa pinagbabawal na droga.

Ibinahagi rin ni Roque na nalinis na ang 52.05% ng mga kabuuang mga barangay sa pinagbabawal na droga at mayroon na lamang 31.42% na mga barangay na dapat linisin.

Tiwala ang Malakanyang na magiging ligtas ang lahat ng mga barangay sa bansa pagkatapos ng termino ni Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top