National News
Higit 210,000 tauhan ng PNP, nabigyan na ng bakuna kontra COVID-19
Pumalo na sa mahigit 210,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, 124,758 PNP personnel o 56.02 percent ang fully vaccinated habang 85,877 PNP personnel o 38.56 percent ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Mayroon na lamang 12,076 PNP personnel o 5.42 percent ang hindi pa nababakunahan.
Gayunpaman, pinayuhan ni Eleazar ang mga pulis lalo ang mga nasa frontline na doblehin ang pag-iingat kahit nabigyan na ng bakuna.
Ito ay matapos masawi sa COVID-19 ang isang pulis mula sa Western Visayas bagama’t nakumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus.