Connect with us

Higit 200,000 OFWs, napauwi na ng pamahalaan sa bansa

Inulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 200,223 Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang na-repatriate at napauwi na sa kani-kanilang lalawigan, base sa pinakahuling tala nitong ika-20 ng Setyembre.

National News

Higit 200,000 OFWs, napauwi na ng pamahalaan sa bansa

Inulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 200,223 Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang na-repatriate at napauwi na sa kani-kanilang lalawigan, base sa pinakahuling tala nitong ika-20 ng Setyembre.

Sa naganap na pulong nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Lorenzana na 80,000 pa ang inaasahang makabalik sa Pilipinas batay sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III.

Samantala, 261 na ang dumating na mga labi ng mga Pilipino mula sa Kingdom of Saudi Arabia kung saan 164 ang COVID case at 97 naman ang non-COVID.

Ipinabatid din ni Lorenzana na 5,300 ang kabuuang uuwing mga Pilipino mula sa Sabah na boluntaryong gustong ma-repatriate.

Karamihan sa mga OFW sa Sabah ay nais umuwi dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Malaysia.

Mayorya sa mga naturang OFW na boluntaryong gustong umuwi ay taga-Tawi-Tawi, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Sulu, Basilan, Cotabato at Zamboanga.

Una nang tiniyak ni Pangulong Duterte na magkakaloob ang gobyerno ng subsidiya para sa  dependents ng OFWs na nawalan ng trabaho, na-repatriate o namatay sa sakit na coronavirus disease.

Inihayag naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tuluy-tuloy ang kanilang programang DOLE-Akap na may layon na magbigay ng pinansiyal na ayuda sa mga OFW sa iba’t ibang bansa na nawalan ng trabaho bunsod ng sa COVID-19.

Higit sa lahat, nais ng DOLE na ilaan ang pinansiyal na ayuda sa mga OFWs na higit na nangangailangan dahil sa kawalan ng tulong mula sa kanilang employer o sa pamahalaan ng bansang pinagtatrabahuan.

 

More in National News

To Top