Connect with us

Higit 200 pulis, nasibak sa pwesto simula umupo bilang PNP chief si Sinas

Aabot sa 252 personnel ang inalis sa pwesto simula nang umupo bilang Philippine National Police(PNP) chief si Police Gen. Debold Sinas.

National News

Higit 200 pulis, nasibak sa pwesto simula umupo bilang PNP chief si Sinas

Aabot sa 252 personnel ang inalis sa pwesto simula nang umupo bilang Philippine National Police(PNP) chief si Police Gen. Debold Sinas.

Ito ang inihayag ni PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group-NCR Police Lieutenant Colonel Lito Q. Israel sa panayam ng Sonshine radio.

“Since he assumed the post on November 10, 2020, he has dismissed already 252 PNP personnel.”

Aniya, kalimitan sa mga pulis na nasisibak ay dahil sa iligal na droga na mula sa Drug Enforcement Unit.

Ayon pa kay Lt. Col Israel, kabilang ang kanilang hanay bilang isang Lt. Col ang pinakamataas na posisyon ang nasisibak.

Dagdag pa nito, dahil alam na ng mga pulis na ito ang laro ng mga sindikato, natutukso sila na sumali na rin iligal na gawain.

“Dito po sa 252 na na-dismiss personnel sa drug-related cases, constant po ang pagmo-monitor namin diyan, minomonitor po namin sa korte ang nai-file naman na kaso at kung gumagawa pa ba sila ng katiwalain kahit wala na sila sa pwesto,”saad ni Lt. Col Israel.

Simula July 1, 2016 hanggang March 24, 2021, nasa 4,974 na mga pulis na ang nasibak sa pwesto sa buong bansa.

Habang 8,806 na ang nasuspinde, 1,973 ang sinaway, 943 ang na-demote sa pwesto, 716 ang hindi bibigyan ng sahod, 24 ang hindi na muna bibigyan ng mga benepisyo at 132 na mga pulis ang mahigpit na binabantayan.

Ang nasabing bilang ay naitala simula nang umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang sa kasalukuyan.

More in National News

Latest News

To Top