Higit 20% ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, gumaling na

COVID-19 UPDATES National News

Umabot na sa 21% o 2,635 bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa.

Sa datus na inilabas ng Department of Health, May 17,  nakapagtala ng karagdagang 74 recoveries mula sa naturang virus.

7 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Kaya naman umabot na ito sa 824 o halos 6% ang kabuuang bilang nito.

Sa kabuuan umakyat na sa 12, 513 na ang bilang ng mga tinamaan ng virus. Nadagdagan ito ng 208 na panibagong kaso kung saan 174 dito ay mula sa National Capital Region at 34 naman ang mula iba’t ibang lugar sa bansa.