Connect with us

Higit 170,000 job vacancies sa bansa, dapat mapunan – Defensor

Higit isang libong job vacancies sa bansa, dapat mapunan - Defensor

National News

Higit 170,000 job vacancies sa bansa, dapat mapunan – Defensor

Hinihimok ngayon ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor na punan ang nasa 178,000 job vacancies sa mga government agencies sa bansa.

Ayon kay Defensor, ang bansa ang may pinakamaraming government employer para masulosyunan ang unemployment problem at nilalaanan din ito ng taunang pondo.

“The government is the country’s biggest employer. It can ease the unemployment problem by hiring personnel to fill job vacancies, for which there are funds in the annual budget,” saad nito.

Base sa 2022 budget documents na isinumite sa Kamara, sinabi ni Defensor na may higit 1.8 milyong permanent position sa gobyerno kung saan 1.7 milyon ang ukupado na habang 177,994 naman ang bakante.

Nilinaw pa ng mambabatas na ang nasabing datos ay hindi pa kasama ang nasa mga lokal na pamahalaan.

Hindi rin sinang-ayunan ni Defensor ang kawalan ng aksyon sa pagrecruit ng ilang ahensiya para mapunan ang bakanteng posisyon bagkus ginagamit na lamang ang pang-sahod sana na pondo sa ibang layunin.

Dahil dito, binigyang diin nito na dapat nang itigil ang maling aktibidad ng ilang ahensiya dahil ang pondo ay inilaan para sa sahod ng mga kawani ng gobyerno at makatulong na mapababa ang unemployment sa bansa.

Aniya, “we should stop this practice by compelling agencies to hire needed personnel. Funds for salaries should be used for salaries.”

Sa pagpuno naman ng mga bakanteng trabaho, hinimok ni Defensor ang mga ahensya ng gobyerno na bigyang-prayoridad ang tinatawag na contract-of-service (COS) at job-order (JO) na mga manggagawa na maaaring kuwalipikado sa mga bakanteng posisyon.

“These contractual personnel have already been doing the job of those who are supposed to occupy the vacancies. They are not hired on a permanent basis perhaps because they lack certain requirements like civil service eligibility,” ani Defensor.

More in National News

Latest News

To Top