Umabot na sa mahigit 15, 000 qualified Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang napalaya na sa mga Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  jail facility mula Marso 17 hanggang June 22

Higit 15k PDLs, napalaya na sa gitna ng COVID-19 pandemic

Uncategorized

Umabot na sa mahigit 15, 000 qualified Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang napalaya na sa mga Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  jail facility mula Marso 17 hanggang June 22 bilang bahagi ng decongestion program ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mula sa kabuuang 15, 322 released PDLs, 5,910 ang mula sa National capital Region (NCR) ; 1,557 mula CALABARZON; 1, 487 mula Central Visayas at 1,041 mula Central Luzon.

Nasa 897 naman ang mula sa Zamboanga Peninsula; 762 mula Northern Mindanao at ang iba ay mula sa ibang rehiyon.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang paglaya ng libo-libong PDLs ay patunay lamang na hindi sila nakakaligtaan at napapabayaan at patunay na gumagana pa rin ang justice system sa bansa kahit na may pandemya.

Aniya, karamihan sa mga PDLs ay napalaya sa pamamagitan ng authority of the courts at ang ilan ay pinalaya batay sa bagong guidelines na inisyu ng supreme court dahil sa COVID-19 pandemic.

Hanggang ngayong araw, Hulyo 2, sinabi ng DILG na 549 sa 783 confirmed cases sa mga PDLs at 90 sa 135 cases sa mga BJMP personnel ang nakarekober na sa COVID-19.