Connect with us

Higit 1,200 healthcare workers sa isang ospital sa Cebu, magpapabakuna

Mahigit 1,200 health workers ng Vicente Sotto Medical Center (VSMC) sa Cebu City ang nakatakdang makatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Regional

Ito ang inihayag ni VSMC Medical Chief Dr. Gerardo Aquino kasabay ng pagtanggap ng ospital ng 7,200 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na donasyon ng Chinese government.

Sa laging handa briefing, sinabi ni Aquino na 1,246 healthcare workers na ang pumayag na maturukan ng Sinovac vaccine.

Ayon kay Aquino, tatagal ang COVID-19 vaccination sa health woerkers ng ospital ng anim hanggang pitong araw.

Dalawa naman aniyang ospital ang naka-standby na maaring gamitin ang Sinovac sakaling hindi magamit ng VSMC ang lahat ng bakuna.

Samantala, sinabi ni Aquino na mismong siya ang tuturok sa kanyang sarili ng bakuna para ipakita sa kanyang mga staff na walang dapat ikatakot.

More in Regional

Latest News

To Top