Connect with us

Higit 100 PCG personnel, nagpositibo sa COVID-19

Higit 100 PCG personnel, nagpositibo sa COVID-19

National News

Higit 100 PCG personnel, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang mahigit 100 na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, kabuoang 133 PCG officers at personnel mula sa national headquarters ang tinamaan ng virus at kasalukuyang naka-quarantine.

Nakalockdown naman simula noong Enero 10-14 ang tatlong tanggapan ng PCG National Headquarters dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Ito ay ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Controllership (CG-6), Coast Guard Public Affairs, at ang Coast Guard Finance Service.

Sinabi ng PCG na ilang personnel na idineploy sa “one-stop shops” na inaailagay ng gobyerno ang nagkasakit ng COVID-19.

Siniguro naman ng ahensya na binibigyan ng medical assistance ang mga tinamaan ng sakit at agad pinalitan ang mga ito ng bagong set ng personnel upang hindi maputol ang kanilang operasyon.

More in National News

Latest News

To Top