higit 100 nakarekober COVID-19

Higit 100 na nakarekober sa COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw

COVID-19 UPDATES National News

Nadagdagan na naman ng higit 100 bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa 4pm bulletin ng Department of Health ngayong araw, umabot sa 116 ang naitalang bilang ng gumaling mula sa virus.

Dahil dito, umabot na sa 1,734 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

Samantala, nadagdagan din ng 120 bagong kaso ng nagpositibo sa naturang sakit. Kaya naman umabot na sa 10, 463 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 696 ang nasawi matapos makapagtala ng 11 na nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng nakakarekober kumpara sa mga nasasawi mula sa COVID-19 pandemic.