locally stranded

Higit 100 na ‘locally stranded individual’ na kinupkop ng PH Army, makakauwi na ngayong araw

National News

Makakauwi na ang mahigit isandaang locally stranded individuals (LSI) sa kani-kanilang probinsya ngayong araw.

Sa tulong ng Philippine Army, Cebu Pacific at Air Asia, nasa 102 locally stranded individual na stranded sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic ang makakauwi na.

Pinangunahan naman ni Army Commander Lieutenant General Gilbert Gapay ang send-off o pagpapauwi sa mga LSI na pansamantalang sumilong ng ilang araw sa PH Army wellness center sa Fort Bonifacio, Taguig.

Kahapon, nakatanggap naman ng food packs at P2,000 tulong pinansyal mula sa DSWD ang naturang mga locally stranded individual.