Pang. Duterte, magdedesisyon tungkol sa extension ng ECQ sa tamang panahon

High value targets na mga komunista,numero unong kalaban ng Pilipinas-Duterte

National News

Numero unong banta sa Pilipinas ang high value targets na mga komunista.

Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address nitong lunes kung saan hindi mga ‘no value’ na mga terorista ang number 1 threat sa bansa.

Kung kaya, ang utos ni Pangulong Duterte sa mga sundalo partikular sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay upakan ang mga komunista.

Aniya,“Itong high value targets ito yung komunista, kaya ang utos ko talaga sa mga Armed Forces na sundalo, upakan mo”

Inihayag din ni Pangulong Duterte na sinasamantala ng mga teroristang grupo ang bangayan sa pagitan ng pamahalaan at kritiko sa usapin ng COVID-19 at Anti-Terrorism Bill.

Sambit pa ng chief executive, ginagamit ito ng mga terorista para panghinain ang seguridad at kapayapaan ng Pilipinas.