Connect with us

Herd immunity, kinakailangan munang maabot bago ang face-to-face classes

Ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng face-to-face classes kung marami na ang nababakunhan laban sa COVID-19.

National News

Herd immunity, kinakailangan munang maabot bago ang face-to-face classes

Ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng face-to-face classes kung marami na ang nababakunhan laban sa COVID-19.

Ito ang sagot ng Palasyo sa mungkahing pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinahanda na ngayon ng IATF ang presentasyon upang mapakita kay Pangulong Duterte ang mga advantages at disadvantages ng pagkakaroon ng face-to-face classes sa mga low-risk areas.

Kaugnay nito, ayon sa Department of Education(DepEd), nagpapatuloy ang preparasyon ng kagawaran para sa pilot test ng face-to-face classes para sa school year 2021 – 2022.

Sinabi ng kagawaran na may binuo na na Joint Circular ang DepEd at Department of Health (DOH) para ito na ang paaprubahan sa IATF saka iprepresenta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa pangulo ang pinal na desisyon kung papayagan nito ang naturang pilot test.

Samantala, para naman kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at Chairman ng SMNI News, dapat magkaroon muna ng herd immunity bago ibalik ang face to face classes.

Matatandaang ginisa ng mga senador ang DepEd  dahil nakukulangan sila sa ipinapakitang aksyon ng  ahensya para makalusot sa presidente ang limited face to face school classes.

Hindi raw nila nakikita sa DepEd ang determinasyon at sigasig katulad ng ipinapakita ng ibang ahensya para lamang mapagbigyan ng pangulo.

Batay naman sa rekomendasyon ng komite, sakaling mabukbuksan ang face to face classes  ay gagawin lamang ito sa mga lugar na walang COVID o sa mga low risk areas.

More in National News

Latest News

To Top