Connect with us

Hepe ng legal affairs division ng PNP na nagpositibo sa drug test, sinibak sa pwesto

Sinibak na sa puwesto ang hepe ng legal affairs division ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa Central Luzon.

National News

Ito ay matapos magpositibo sa random drug test ang hepe na si Atty. Efren Garcia II.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang pagsibak kay Garcia ay patunay na sakop ng intenal cleansing sa police organization ang mga uniformed personnel at civilian employees.

“Let me reiterate that there is no place in the PNP for any personnel who is into illegal drugs, whether for recreational or habitual use,”ani Sinas.

Inulit din ni Sinas na walang lugar sa PNP ang sinumang personnel na gumagamit ng iligal na droga.

Pebrero 24 ang sumailalim sa surprised drug test ang personnel ng IAS-police Regional Office 3 bilang bahagi ng internal cleansing sa Pulisya.

Sinabi ng PNP chief na ipinag-utos na niya na isailalim si Garcia sa pre-charge investigation at summary dismissal proceedings para sa grave misconduct, isang administrative case na may maximum penalty na dismissal mula sa serbisyo.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top