Nakatanggap ng papuri ang actress-animal welfare advocate na si Heart Evangelista matapos iligtas ang isang inabandonang aso.

Heart Evangelista, pinuri matapos iligtas ang isang inabandonang aso

Showbiz

Nakatanggap ng papuri ang actress-animal welfare advocate na si Heart Evangelista matapos iligtas ang isang inabandonang aso.

Nakarating kay Heart ang pagmamaltrato sa isang aso mula sa isang netizen at agad naman niya itong inaksyunan.

Ayon kay Heart maikli masyado ang tali ng aso at hindi man lang daw ito makaupo o makahiga.

Dagdag pa ng aktres,  walang puso ang gumawa at sinabing karma is real.

Gayunpaman nasa pangangalaga na ng rescue group na Pawssion Project ang aso na pinangalan ng aktres na cloud.

Samantala, ang ginawang pagpapabaya sa nasabing hayop ay labag sa Section 6 ng R.A. 8485 o animal welfare act.