Connect with us

Health workers na nagpositibo sa COVID-19, higit 8,000 na

Nakapagtala ang Department of Health ng 3,375 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

National News

Health workers na nagpositibo sa COVID-19, higit 8,000 na

Pumalo na sa 8,494 ang kabuuang bilang ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19 hanggang noong Setyembre 12.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,140 na karagdagang kaso sa mga health worker sa nakalipas na mga linggo.

Sa kanilang daily COVID-19 report, sinabi ng DOH na nasa 7,710 na ang gumaling na health workers matapos itong madagdagan ng 1,094.

Habang umakyat na sa 65 ang death toll matapos makapagtala ng 16 new fatalities.

Nasa 728 medical workers naman ang active COVID-19 cases at sumasailalim sa treatment o quarantine.

Sinabi ng DOH na kabilang sa may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga medical professions ay mga nurse na may 2,935 infections, mga doctor na may 1,613, nursing assistants na may 656, medical technologists na may 383, at midwives na may 192 cases.

Kasama din sa mga nahawaan ng coronavirus ang mahigit 500 na iba pang non-medical personnel gaya ng utility workers, security guards, at administrative staff.

More in National News

To Top