Connect with us

Health Secretary Duque, pinayuhan ni Pang. Duterte na huwag magbitiw sa pwesto

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na huwag bumaba sa pwesto at hindi ito ang panahon para bitiwan niya ang kanyang posisyon.

National News

Sinabi ni Pangulong Duterte na hayaan lamang na gumulong ang mga imbestigasyon kaugnay sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Binigyaang-diin ni Pangulong Duterte na nananatili ang tiwala nito kay Secretary Duque sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos dito dahil sa katiwalian sa PhilHealth.

Naiintindihan din ng pangulo ang sitwasyon ni Duque dahil mayroon talagang mga pagkakataon na mayroong mga pagkakamali sa mga tanggapan lalo na kung malaking mga departamento ang pinamumunuan nito.

Wala rin aniyang dahilan para magbitiw si Duque sa pwesto kung hindi naman aniya ito involve sa korapsyon.

More in National News

Latest News

To Top