Connect with us

Health protocols vs COVID-19 sa MRT-3, mas pinaigting

Bilang ng mga nakabenepisyo sa libreng sakay, pumalo na sa 148 milyon

Metro News

Health protocols vs COVID-19 sa MRT-3, mas pinaigting

Mas mahigpit na ipinatutupad ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang minimum health standards sa pagbabalik operasyon nito.

May mga personnel na nagpapaalala kada minuto sa mga pasahero na patuloy sundin ang social distancing, pagsuot ng face mask at face shield.

Kasabay rin nito ang paglunsad ng TRAZE contact tracing application.

No photo description available.

May be an image of 1 person, standing and indoor

Pero may iilang pasahero pa rin ang mas pinili ang manual contact tracing kaysa sa automatic.

Subalit may iba naman na mas pabor sa TRAZE application kesa sa manual upang maiwasan raw ang paghawak sa mga ballpen na maaring maging sanhi ng hawaan ng COVID-19.

May be an image of one or more people and people standing

Ang TRAZE ay ang bagong contact tracing application na gagamitin ng MRT-3 upang mas mapadali ang proseso ng monitoring at tracking ng mga pasahero.

Gumagamit ito ng QR codes na kinakailangang i-scan ng mga pasahero ng tatlong beses sa MRT-3 sa kanilang entry station, train coach na sinasakyan, at exit station.

Mananatili pa rin ang manual option ng contact tracing sa MRT-3 para sa mga pasaherong walang smartphone.

Sa limitadong operasyon ng mga tren, aabot lamang hanggang sa 372  pasahero lang ang pwedeng sumakay kada train set o 124 na pasahero kada train car.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 testing sa mga personnel ng MRT-3 Station.

More in Metro News

Latest News

To Top