Connect with us

Health protocols na ipinatutupad sa Senado, nirerepaso

Pinarerepaso na ng Senado ang ipinatutupad na health protocols sa mataas na kapulungan.

National News

Health protocols na ipinatutupad sa Senado, nirerepaso

Pinarerepaso na ng Senado ang ipinatutupad na health protocols sa mataas na kapulungan.

Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto matapos magpositibo sa COVID-19 sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director Isidro Lapeña sa gitna ng budget deliberations.

Ayon kay Sotto, tinitingan na ng secretariat ng senado ang effectivity ng mga protocol at halos araw-araw ang disinfection sa Senado.

Nitong sabado lang nang inanunsyo na nahawaan ng coronavirus sina Dela Rosa at Lapeña na pawang nasa senate premises noong Miyerkules para sa budget deliberations.

Matatandaang simula Oktubre 1 ay nire-required na ng senado ang medical certificates ng mga resource person at mga bisita bilang precautionary measure laban sa COVID-19.

Mayo naman ng payagan ang virtual attendance sa sessions at mga pandinig sa Senado para mabawasan ang face-to-face interactions. https://credit-n.ru/order/zaymyi-mili-1.html

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top