Connect with us

Health protocol sa ilang pampublikong sasakyan, hindi nasusunod

Hindi nasusunod ang health protocols sa ilang pampublikong sasakyan.

National News

Health protocol sa ilang pampublikong sasakyan, hindi nasusunod

Hindi nasusunod ang mga health protocol sa ilang pampublikong sasakyan.

Tulad na lamang ang one seat apart policy ngunit  tabi-tabi pa rin ang mga pasahero sa loob ng mga bus at jeep na bumibiyahe sa Commonwealth.

May iba na hindi sinusuot ng maayos ang face mask at face shield.

Pati rin ang mga kundoktor at driver, na dapat sana’y sumisita sa mga pasahero, ay hindi rin maayos ang pagsuot ng mga face mask at shield.

Dirediretso rin ang kanilang pagpapasakay sa mga pasahero.

Hindi na nagdidisenfect at hindi na kinukuha ang body temperature ng mga ito.

Subalit kahit papaano ay may mga kundoktor naman na sumusunod sa protocols na itinakda ng IATF sa ilalim ng ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga driver at kundoktor ang mananagot kung hindi nasusunod ang health standard sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Nasa ₱1000 o higit pa ang magiging multa sa mga ito depende sa violations.

 

More in National News

Latest News

To Top