Connect with us

Health experts, hayaang suriin ang ivermectin – Sen. Go

Hayaan ang health experts na pag-aralan ang paggamit ng gamot na ivermectin.Sa panayam ng Sonshine radio kay Senator Christopher "Bong" Go

National News

Health experts, hayaang suriin ang ivermectin – Sen. Go

Hayaan ang health experts na pag-aralan ang paggamit ng gamot na ivermectin.

Sa panayam ng Sonshine radio kay Senator Christopher “Bong” Go, kung mapatunayang makatutulong ito sa COVID-19 patients ay dapat maging bukas na gamitin ito.

“Kung pwede naman po dapat bukas po ang ating isipan na pag-aralan ang mga ito. Malay n’yo po. Desperado na tayo. Halos lahat po nang tao sa buong mundong ito ay desperado na po sa panahong ito na makadiskubre po ng gamot at magkaroon tayo ng solusyon dito sa problemang ito,” saad ng senador.

Kaugnay dito, ipinanawagan na rin ni Sen. Go sa Food and Drug Administration (FDA) na huwag na ring tagalan ang pag-apruba ng naturang gamot kung mapatunayang epektibo naman bilang prevention laban sa COVID-19.

Samantala, lubos naman ang ipinahayag na suporta si Sen. Go na magkaroon ng vaccine institute ang Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang makapagtayo ng vaccine institute bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

“Ako naman po ay pabor ako dito sa vaccine insitute na ito dahil ‘di naman po natin masabi kung meron pang pandemyang dumating sa buhay natin.”

” Mas mabuti na pong maging proactive po tayo, ready po tayo sa lahat. Sa nangyari po ngayon ay take it or leave it tayo. Kung ‘di tayo sumunod sa kanilang (vaccine manufacturers) mga agreement ay hindi tayo bibigyan ng bakuna,” ang paliwanag ni Sen. Go.

More in National News

Latest News

To Top