Connect with us

Health care utilization sa buong bansa, nananatiling nasa low risk

Health care utilization sa buong bansa, nananatiling nasa low risk

National News

Health care utilization sa buong bansa, nananatiling nasa low risk

Sa gitna ng apela ng ilan na taasan na ang alert level sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus, ay iniulat ng health department ng pamahalaan na nananatiling manageable pa rin ang health care utilization sa buong bansa.

Inihayag ng Department of Health (DOH) na kakaiba ang pagtaas ngayon ng kaso ng COVID-19 dala ng Omicron variant kung ikukumpara noong last wave na nakita doon sa pagsipa rin ng kaso dulot ng delta variant.

Sinabi ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, noong Setyembre ng nakaraang taon, kasabay ng pagtaas ng kaso ay ang pagtaas din ng hospitalization at intensive care unit utilization.

“Pero itong pagtaas ngayon nitong January na ito, nakita namin na hindi na pareho ang trajectory ng pagtaas ng bilang ng kaso.

“Kakaiba talaga itong pagtaas ng mga bagong bilang ng kaso itong January compared mo noong September last year kasi nakikita natin iyong September of last year tumaas talaga iyong kaso, iyong bilang ng—mga 26,000. Sumabay din iyong pagtaas ng hospitalization at saka sumabay din iyong pagtaas ng intensive care unit (ICU) utilization.” – Usec. Leopoldo Vega, DOH treatment czar.

Pero ngayong Enero, sabi ni Vega, kahit patuloy na tumataas ang kaso ng coronavirus, ay nasa low risk pa rin ang hospital utilization rate sa buong bansa.

“So, ang bilang ng kaso natin kahapon 32,000 at saka the other daw mga 28 and 33,000, nakikita natin na iyong hospitalization ay nasa low risk category pa rin ang buong bansa.”

Pagdating naman dito sa National Capital Region (NCR), nasa 60% o border line ng low risk at moderate risk.

Kaya ani Vega, ‘very manageable’ sa ngayon ang COVID situation sa bansa.

Kaya sa hirit ng ilan na itaas na sa alert level 4 ang NCR at ilan pang lalawigan, sinabi ng health official na dapat nasa 71% o nasa high risk position ang hospital utilization rate bago taasan ang restriskyon.

“So, hindi pa, kaya pa ho very manageable, in spite of the rise of  number of cases, ang hinahanap po ngayon ay iyong mga isolation and isolation areas, facilities para sa kanilang mild and moderate situations.”

Samantala, kinumpirma naman ni Vega na nagkaroon talaga ng breakthrough o reinfections sa mga health care worker lalo’t sila aniya ‘yung first line na nasa hospital na nakakaharap ng COVID-19 patients o may bagong active cases.

Batay sa datos dito sa Metro Manila, lalung-lalo na sa mga government hospital, mayroong naitalang 3,114  mga health care worker na naka-isolate.

Ang naturang bilang ay 11% ng kabuuang numero ng health care workers na nasa 26,000 government institutions

Gayunpaman, masasabing ‘manageable’ pa rin ang sitwasyon sa ilang ospital

“So, manageable pa rin, pero iyon nga, nagsta-strategized na rin ang ibang hospitals na magku-close ng ilang services nila like opd, special services at saka iyong mga elective surgeries nila, pinu-postpone muna, kasi alam nila na kailangan ma-cover nila iyong  deployment for the health care workers doon sa COVID allocated  areas nila.”

Dagdag pa ng DOH, ang hinahanap ngayon ay iyong isolation areas at facilities para sa nakararanas ng mild at moderate na sintomas.

 

More in National News

Latest News

To Top