Connect with us

Hawaan ng COVID-19 sa bansa, mas bumagal- Octa Research

Bumagal pa ang hawaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa sa loob ng pitong araw.

National News

Hawaan ng COVID-19 sa bansa, mas bumagal- Octa Research

Bumagal pa ang hawaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa sa loob ng pitong araw.

Ito ayon kay Octa Research fellow Dr. Guido David kung saan bumaba aniya sa 0.98 ang bilis ng hawaan o reproduction number ng coronavirus, mula sa 1.16 noong nakaraang linggo.

Bumagsak din ang bilang ng 7 day average new cases sa bansa sa higit 17,000, mula sa lagpas 20,000 noong nakaraang linggo.

Una mang inihayag ng grupong OCTA na hindi lamang ang national capital region ang nakitaan nila ng improvements sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, bagkus doon din sa ilang mga lugar.

Gayunman, Binigyang diin ng Octa Research na nag uumpisa pa lamang ang pagbaba ng kaso kung kayat hindi dapat magpakampante ng mamamayan.

Patuloy din dapat sa pagsunod sa minimum public health standards dahil may iilan paring rehiyon na tumataas ang bilang ng mga tinamaan ng virus.

Sa kabila ng pagsisimula ng recovery process ng bansa laban sa COVID-19, pagdating naman sa pagluluwag ng restriksyon, ay magdedepende na ito sa lebel ng hospitalization rate kasabay ng masusing pag-aralan hanggang sa katapusan ng buwan.

Samantala, inihayag din ng Octa Research na Bumaba naman sa 13 porsyento ang 1 week growth rate ng COVID-19 sa bansa habang 25% ang ibinaba ng positivity rate sa mga sumailalim sa coronavirus testing.

More in National News

Latest News

To Top