tradisyunal na jeepney

Halos 2,000 pang tradisyunal na jeepney, papayagan nang pumasada simula sa Miyerkules

Metro News

Dinagdagan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tradisyunal na jeepney na maari na uling makapamasada sa National Capital Region (NCR).

Sa anunsyo ng LTFRB, mula sa Miyerkules ay pinapayagan nang pumasada ang 1,943 pang traditional public utility jeepneys (pujs) sa 17 ruta sa Metro Manila.

Sa Memorandum Circular (MC) 2020-029, ang mga jeep na may ruta na nakasaad sa MC ay maari nang pumasada sa kanilang existing routes na walang kinakailangan special permit.

LTFRB ADDS 1,943 MORE TRADITIONAL PUJs IN 17 METRO MANILA ROUTESThe Land Transportation Franchising and Regulatory…

Posted by Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB on Sunday, 26 July 2020

Gayunman, bago makabiyahe ay kinakilangan muna ng mga ito na tumugon sa ilang requirements na itinakda ng LTFRB bago makabiyahe.

Kabilang dito ang pagkuha ng QR code sa LTFRB at dapat nakarehistro na road worthy ang kanilang units sa Land Transportation Office (LTO).

Dapat Php 9 rin ang pamasahe sa unang apat na kilometro at P1.50 sa mga susunod na kilometro at kailangan sumunod sa safety measures na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Hulyo 3 nang unang payagan ng ltfrb ang pagpasada ng 6,002 roadworthy na tradisyunal jeepney.