Connect with us

Halaga ng naipamigay na relief assistance sa mga nasalanta ng bagyong Rolly, mahigit ₱95.47 milyon na

Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na apektadong bagyong Rolly.

National News

Halaga ng naipamigay na relief assistance sa mga nasalanta ng bagyong Rolly, mahigit ₱95.47 milyon na

Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na apektadong bagyong Rolly.

Ayon sa DSWD, nakapagpalabas na sila ng mahigit ₱95.47 milyong halaga ng tulong na mula sa ahensya, local government units at non-governmental organization (NGO)

Batay din sa ulat ng DSWD, mahigit 550,000 pamilya o mahigit 2.14 milyong indibwal ang apektado ng bagyo sa NCR, Region 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 8, at Cordillera Administrative Region.

Nasa 5,469 pamilya o 23,239 indibwal naman ang nananatili sa loob ng 377 evacuation center habang 11,851 families o 48,989 individuals ang nasa labas ng mga evacuation center.

Samantala, nasa 40,080 ang totally damaged na mga bahay at 149,211 ang partially damaged.

Kaugnay nito, umabot na sa ₱1.8b pondo mula sa Department of Labor and Employment ang inilabas na para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.

Sa Region 2 ay nagpalabas na ang DOLE ng ₱312- milyon para sa benepisyaryo ng COVID-19 adjustment measures program o camp program at ₱307-million para naman sa mga informal workers na kuwalipikado para sa tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o TUPAD program.

Namahagi na rin ang DOLE ng 100 fiberglass na mga bangka sa mga apektadong mangingisda o kabuuang ₱10 million halaga ng tulong, habang umaabot naman sa ₱14 million ang inilaang pondo para sa 3,000 informal sector workers sa  CALABARZON at ₱190 million para sa mahigit 34,000 na apektadong manggagawa sa MIMAROPA.

Sa Bicol, nakapaglaan na ang DOLE ng ₱500 million pondo para sa 74,000 na manggagawa at namahagi na rin ng ₱24 million para sa mga apektadong manggagawa sa private education sector.

Nai-turned-over na rin ng DOLE sa Marikina Local Government Unit ang relief goods at pondo para sa 500 benepisyaryo ng tupad program.

More in National News

Latest News

To Top