Connect with us

Hakbang ni PRRD sa hamon na debate kay Carpio, isang “leadership” move – Political Analyst

Hindi kaduwagan ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon nito na makipag- debate kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ayon kay political analyst na si Austin Ong.

National News

Hakbang ni PRRD sa hamon na debate kay Carpio, isang “leadership” move – Political Analyst

Hindi kaduwagan ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon nito na makipag- debate kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ayon kay political analyst na si Austin Ong.

Ito’y matapos umani ng puna at batikos ang pagtatalaga ng Pangulo kay Palace Spokesman Harry Roque para harapin si Carpio sa debate sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Ong, ang lahat ng mga bumatikos sa hakbang ng Presidente ay hindi naiintindihan ang salitang “leadership.”

Halimbawa ni Ong, nang magdeklara noon ang US government ng giyera sa ilang mga bansa sa Middle East.

Aniya, hindi ang pangulo ng Amerika ang nagpunta doon at personal na nakipag-giyera bagkus nagpadala ng mga sundalo ang US government para makipagbak-bakan.

Bukod dito, kapag hinamon ng isang lider ng bansa ang kanilang mga kritiko abroad o kung hindi kaya ang United Nations, ang mga batikang abogado ang ipinapadala at hindi mismo ang pangulo.

Paliwanag ni Ong, ganito ang ginawa ng Pangulo nang italaga niya si Roque.

Bagama’t siya ang naghamon ng debate pero siya pa rin ang Pangulo ng bansa.

Diin ni Ong, hindi umatras sa debate si Pangulong Duterte.

Delegation aniya ang ginawa nito na bahagi ng kanyang mandato.

Samantala, para naman sa Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na Pastor Apollo C. Quiboloy, naisahan ni Pangulong Duterte si Carpio.

Ayon kay Pastor Apollo, nabingwit ng Presidente si Carpio nang italaga si Roque para makipag-debate.

Paliwanag ng butihing Pastor, napaka-wise ng hakbang ng Pangulo dahil nothing to lose si Carpio sa debate laban sa punong ehekutibo.

Ikinumpara din ng Butihing Pastor ang naturang hakbang sa larong chess kung saan knight lang ang haharap kay Carpio dahil mautak ang King.

Diin nito, na checkmate si Carpio sa queen na gamit ng pangulo.

 

More in National News

Latest News

To Top