Ibinasura na ng ng mababang hukuman sa Olongapo City ang kasong inciting to sedition laban sa guro na si Ronnel Mas.

Guro na nag-alok ng P50-M reward para sa makapapatay kay Pangulong Duterte, inabswelto

National News Regional

Ibinasura na ng mababang hukuman sa Olongapo City ang kasong inciting to sedition laban sa guro na si Ronnel Mas.

Magugunitang si Mas ang netizen na nagpost noong May 5 sa Twitter na nag-alok ng P50 million reward o pabuya para sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa desisyon ni Olongapo Regional Trial Court branch 72 Judge Richard Paradeza na may petsang June 24, 2020 na pinagbigyan ang urgent motion to quash na inihain ni Mas at dahil dito ay idineklara na ang kaso laban kay Mas ay “dismissed” na.

Magugunitang si Mas ay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zambales at dinala sa NBI main headquarters sa Maynila kahit na walang warrant of arrest at walang kasamang abogado.