Umapela recovery

Grupo ng mga private school, umapela na isama sa recovery assistance

National News

Umapela ang Coordination Council of Private Education Associations (COCOPEA) sa kongreso na isama ang mga institusyon ng private higher education sa recovery assistance.

Inihayag ni COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada na apektado din ng krisis ang mga nasa private higher education.

Partikular na dito, ang isasagawang transition sa flexible learning at inter-connectivity bunsod ng pagbabawal sa face-to-face classes.

Ayon kay Estrada, 20% ng mga pribadong paaralan ang hindi makakasabay sa flexible learning mode.

Tinatayang 30% naman ng mga private school students ang walang access sa flexible learning materials at online learning habang 17% sa mga ito ang hindi makakapag-aral sa ilalim ng flexible learning.

Dulot naman ng kakulangan sa pondo, aabot sa 26% ng mga guro mula sa pribadong sektor ang hindi nakatatanggap ng sweldo sa kasagsagan ng quarantine.

Samantala, nangako si New Cluster Chairman Loren Legarda na makikipag-ugnayan sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapabilang ang private higher education sa listahan ng recovery assistance.