National News
Governors, magbibigay ng ₱1M kay Hidilyn Diaz sa pagkapanalo ng Gold Medal sa Tokyo Olympics
Magbibigay ang League of Provinces of the Philippines (LPP) ng ₱1M inisyatibo kay weightlifter Hidilyn Diaz na nakasungkit ng kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa olympics.
Ayon kay LPP President Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., ang bawat governor ay personal na mag-aambag ng ₱10K para sa pabuya.
Pinasamalamatan naman ni Velasco si Diaz sa pagbibigay nito ng karangalan sa bansa sa olympics.
Bukod dito, makakatanggap din si Diaz ng ₱33M cash reward matapos ang kanyang historic win.
Sa Republic Act 10699, ang olympic gold medalists ay tatanggap ng ₱10M para sa mga lalaban sa individual events.
Nangako din ang MVP Sports Foundation na magbibigay ng karagdagang ₱10M sa mga gold medal winner habang ₱3M naman ang ipinagakong reward ni athlete and Representative Mikee Romero.
Sinabi rin ni Philippine Olympic Committee and Representative Abraham Tolentino sa isang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum na magbibigay ng ₱10M si Business Tycoon Ramon Ang sa kada mananalo ng gold medal won sa Tokyo 2020 Olympics.
Samantala, magbibigay ang Property Giant Megaworld Corporation ng isang Residential Condominium Unit sa Eastwood City kay Diaz.
Ayon kay Megaworld Chief Strategy Officer Kevin Tan, ito ang paraan nila bilang pagpapasalamat kay Diaz sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.